OFW Filipino Heroes

Thursday, April 2, 2009

Hinihinalang illegal recruiter na kumubra ng P1.5M sa mga biktima nadakip

Dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babae na nanloko umano sa 11 aplikante na nakunan ng P1.5 milyon para magtrabaho sa Canada. Nadakip sa inilatag na entrapment operation ng NBI si Nancy Leono, may-ari ng Lacorte Kimpura Travel Agency sa Makati, at naninirahan sa Sepulcro St., PNR Mansion sa Paco, Manila.

Ayon kay Senior Agent Jose Theron Valencia, si Leono ay hinuli sa kanyang bahay ng mga tauhan ng NBI Anti-Human Trafficking Division (Ahtrad) noong Miyerkules. Nahaharap si Leono sa kasong panloloko at paglabag sa Republic Act 8042 o Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.

Pinaghahanap naman ng NBI ang nakatakas na tauhan ni Leono na si Melba Lamug, residente sa Prudencio St., Sampaloc, Maynila. Sinabi ni Valencia na nag-alok umano ng trabaho si Leono sa mga biktima para magtrabaho sa Canada bilang mga nurses, caregivers at hotel receptionists. Kabilang umano sa mga nagreklamo ay sina;

1. Cherizza Medrano
2. Cherilyn Medrano
3. Ailyn Ramos
4. Rizza Rivera
(Pawang mga taga-Zamboanga City)

5. Ruzel dela Cruz
6. Kurt Buebos
7. Myrna Vergara
8. Christmas Alzona
(Pawang taga- Biňan, Laguna)

9. Maria Lilibeth Villanueva
10. Jennette Amante
(Pawang taga-Pembo, Makati City)

11. Armin Basuel ng Naic, Cavite.

Humingi umano ang mga akusado ng P1,523,950 sa mga biktima bilang processing at placements fees. Ngunit kahit naibigay na ang pera, hindi pa rin nakakaalis ng Pilipinas ang mga biktima. Napag-alaman naman ng NBI sa Philippine Overseas Employment Administration na hindi rehistrado sa pamahalaan ang kumpanya at ang mga suspek para mangalap ng aplikante na nais magtrabaho sa ibang bansa. - GMANews.TV


=

RSS Feeds

The best way to know the latest OFW issues is to subscribe our feeds

Wednesday, April 1, 2009

Overseas Filipino Worker

RSS Feeds

The best way to know the latest OFW issues is to subscribe our feeds

LEARN FOREX TRADING AND GET RICH

Investment Recommendation: Bitcoin Investments

Live trading with Bitcoin through ETORO Trading platform would allow you to grow your $100 to $1,000 Dollars or more in just a day. Just learn how to trade and enjoy the windfall of profits. Take note, Bitcoin is more expensive than Gold now.


Where to buy Bitcoins?

For Philippine customers: You could buy Bitcoin Online at Coins.ph
For outside the Philippines customers  may buy Bitcoins online at Coinbase.com