Ayon kay Senior Agent Jose Theron Valencia, si Leono ay hinuli sa kanyang bahay ng mga tauhan ng NBI Anti-Human Trafficking Division (Ahtrad) noong Miyerkules. Nahaharap si Leono sa kasong panloloko at paglabag sa Republic Act 8042 o Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.
Pinaghahanap naman ng NBI ang nakatakas na tauhan ni Leono na si Melba Lamug, residente sa Prudencio St., Sampaloc, Maynila. Sinabi ni Valencia na nag-alok umano ng trabaho si Leono sa mga biktima para magtrabaho sa Canada bilang mga nurses, caregivers at hotel receptionists. Kabilang umano sa mga nagreklamo ay sina;
1. Cherizza Medrano
2. Cherilyn Medrano
3. Ailyn Ramos
4. Rizza Rivera
(Pawang mga taga-Zamboanga City)
5. Ruzel dela Cruz
6. Kurt Buebos
7. Myrna Vergara
8. Christmas Alzona
(Pawang taga- Biňan, Laguna)
9. Maria Lilibeth Villanueva
10. Jennette Amante
(Pawang taga-Pembo, Makati City)
11. Armin Basuel ng Naic, Cavite.
Humingi umano ang mga akusado ng P1,523,950 sa mga biktima bilang processing at placements fees. Ngunit kahit naibigay na ang pera, hindi pa rin nakakaalis ng Pilipinas ang mga biktima. Napag-alaman naman ng NBI sa Philippine Overseas Employment Administration na hindi rehistrado sa pamahalaan ang kumpanya at ang mga suspek para mangalap ng aplikante na nais magtrabaho sa ibang bansa. - GMANews.TV
=
The best way to know the latest OFW issues is to subscribe our feeds